Isay’s Birthday Project - Account/Delivery Info
Written by Melason Family
Friday, 19 March 2010 15:57
Isay’s Birthday Project - Account/Delivery Info
Hello fellow melasons. Musta poh kayo? Alam ko marami na sa inyo ang nag-aabang sa kung ano ang plano nating ibigay kay Isay sa nalalapit nyang kaarawan. Anyway kung napansin nyo sa nakalipas na araw ay nanghingi kami sa inyo ng suggestions kung anu ba ang naiisip nyong magandang ibigay natin para kay isay at ako sampu ng aking mga kasamahang officers ay natuttuwang marami ang nagparticipate, gaya poh ng nauna naming pahayag nais naming sa bawat proyekto o desisyon ay kasama namin kayong mga miyembro. Sa puntong ito, bawat suhestyon nyo poh ay aming pinag-aralan, gayundin kaming mga officers ay nagbigay din ng aming mga idea. Matapos ang mahaba at matinding deliberasyon, nagkaron na poh kami ng mga choices kung anu ang Birthday gift project natin para kay Isay, ito poh ay ibinase namin sa kung anu ang halaga at tulong na magagawa nito sa minamahal nating Prinsesa ng Masa. Kami poh ay nagkaron ng tatlong choices at ito ay ang mga sumusunod:
Choice A: CAR (sa kadahilanang kakailanganin nya ito lalo na ngayong busy na sya sa kanyang trabaho sa mundo ng showbiz)
Choice B: Vacation Trip Local/Intl for Two (Isay’s choice of destination) Dahil alam ko tulad ko, tulad ng mga officers bawat isa satin ay hangad na makapagrelax si Isay at syempre ang kanyang Sweetipie, yung tipong tulad dati sa loob ng bahay magawa nila ang gusto nila ng silang dalawa lang. Maari nyo ring sabihin meron na sila nito, yung kasama sa napanalunan ni Isay, pero guys iba pa rin kapag tayo ang nagregalo, mas espesyal diba)
Choice C: Appliances Showcase (mga kasangkapang pupuno sa kabuuan ng bahay ni Isay, ex. Bedroom showcase kung san sa tuwing mahihiga sya sa kama maaari nya tayong maalala, or entertainment showcase, etc.)
Yan poh ang tatlong choices ng regalo, bakit may choices? Kasi poh ang regalo ay nakadepende sa malilikom nating halaga. Dahil ito ay Birthday project hinihingi poh namin ang inyong kooperasyon at suporta. Kahapon poh ay nagbukas kami ng account upang maging transparent at malinaw sa lahat ang magiging funds natin. Ang lahat poh ng donasyon na aming matatanggap ay ipapakita at irereport sa inyo. Gayunpaman, nais din poh namin kayong sabihan na huwag poh kayong magbibigay kung may mga lalapit sa inyo na hindi idadaan sa ating bank account. Nais poh namin kayong protektahan sa mga mapagsamantala na maaaring gamitin ang pagkakataong ito upang makalamang ng kapwa. Alam ko poh na ang bawat sentimong ipapadala nyo o iaambag ay pinaghirapan nyo kung kaya’t nais poh naming iparating sa inyo na ito ay aming pahahalagahan ng husto at makakaasa poh kayo sa transparency ng proyektong ito. Mahaba haba pa poh ang ating pagsasamahan kung kaya’t hiling lang poh namin ang inyong tiwala at makakaasa poh kayong sa abot ng aming makakaya gagampanan namin ang aming tungkulin upang ipaabot sa mahal nating PRINSIPE AT PRINSESA ang ating pagmamahal at suporta sa kanila.
Alam ko poh magkakaron ng ilang katanungan kaya bago pa poh magka issue eh magpapaliwanag na ko. Una bakit bonggang bongga naman yan tapos melason tayo so dapat kay isay at Jason diba? Sagot, Birthday poh ni Isay at kung mapapansin nyo ang title ay Isay’s Birthday Project, tama Melason tayo pero hindi poh ibig sabihin nun eh sa lahat ng pagkakataon dapat lagging dalawa, nasa sitwasyon din poh yun, Nagkataon poh na nauna ang birthday ni isay asahan nyo poh na sa birthday ni Jason ay magkakaron din ng Jason’s Birthday Project. Bakit bongga? Hindi poh sya bongga madami lang tayong magtutulong tulong, pagsasama samahin kaya magiging Bongga. Nawa’y nabigyan ko poh ng linaw ang mga bagay na sa palagay ko ay gagawan ng istorya.
Sa lahat poh ng gusting... <<<<<< N.B from Jumbotweet: auto-truncated at 4K characters on index page - Click here or on the "view" link to see entire jumbotweet! http://www.jumbotweet.com/ltweets/view/770