May isang tao na sobrang espesyal para sa'kin na nagbibigay ng saya at ligaya sa buhay ko. 'Di man naging matindi ang pagsasama/pagkakaibigan namin pero matagal na 'kong may nararamdaman sa kanya at kay tangis kong natatanggap ang kanyang pagpapakita ng mga ngiti niya ngunit kasi dati sa una ay parang galit siya sa'kin kaya nagugulat na lang ako dahil masaya na siya sa'kin, bawat 'like' niya sa ipino-post kong mga larawan ay napagliligayahan ako. Ngunit ang lahat ng ito ay nawala. "'Di ba't may ginawa akong masama? Galit ba siya ulit sa'kin? Nangyayari bang muli ang dati? Itinatakwil niya na ba ko bilang kaibigan niya?" Mga katungang lagi kong naririnig sa isipan ko na litong-lito kong matugunan na para bang may nangyayaring argumento sa puso ko at laman din ang mga katanungang iyon. Dumating ang araw ng kapanganakan ko at bumati naman siya, sumaya naman ako, ngunit napag-isip-isip ko rin kung mayroon nga bang nasa likod ng pabati niya. 'Di ba bahagi rin ito ng pagtatakwil niya? Well, napagdudahan ko rin na baka sa gayon ay malaman ko kung totoo ba ang lahat ng ito o hindi. Kahapon ay nasalubong ko siya sa aking pag-uwi at 'di niya ako napansin (o 'di niya na 'ko PINANSIN), ang nakapansin na lang sa'kin ay ang kasama niya, isang tao na kilala ko rin. Dahil doon ay umuwi na lang akong lumuluha at nagkukunsyumi na kong nakahiga sa kama. Bagamat, naghihintay pa rin ako sa mga ngiti niya dahil sa gayon ay sasaya pa ako (sasaya pa ba?). Maraming salamat po! ️